Liriko ng Basag na Puso

Araw-araw na away dahil sa selos
Di pa madala-dala
May makita lang na magandang babae
Susundan agad ng tingin
Sa akin ba’y di ka pa kuntento?
Hindi ko lubos maisip
Kung bakit gusto mo pa ng iba
Pag-ibig ko ba’y di pa sapat?
O iba lang ang hanap mo?
Kala mo kung sino kang gwapo
Ikaw naman ay isang gago
Sila’y kaya mong lokohin
Ngunit mga kasinungalingan mo’y di maipipilit sa’kin

Alam mong mahal na mahal kita
Handang ibigay halos lahat sa’yo
Ngunit kung pagmamahal ko’y di pa din sapat
Sabihin mo na habang kaya ko pa
Mabuting tapatin na ako kahit mga salita’y masakit
Dahil ano pa bang di ko kaya sa ginawa mong kalokohan?

Lucid Dreams

Time stood still when you passed me by
Unconsciously, I held my breath
While the butterflies fluttered in my stomach
This weird sensation you make me feel is never-ending

As you never fail to make my knees grow weak
You never noticed me looking at you,
Staring at you, smiling at you
The weird sensations you make me feel is never-ending

Your simple smile lights up my world
Though it makes me confused
About what do you really feel
The weird sensations you make me feel is never-ending

But as time passed by
I lost my will
For you never really looked at me
I think I’m just lucid dreaming

Now the fluttering butterflies are gone
Only to be replaced
By crawling bugs
The weird sensations you make me feel is never-ending

Chapter 1 : Alisa

*Ang pamagat ay pansamantala lamang
*Ang kwentong ito ay likha lamang ng imahinasyon. Pagkakatulad sa mga pangyayari at pangalan ay sadyang nagkataon lamang.

Ako si Alisa. Diecinueve anyos. Galing ako sa isang middle class na pamilya. Nagtatrabaho si Mama sa isang kompanya bilang isang sekreterya samantalang si Papa naman ay nagbebenta ng mga sasakyan sa Balintawak. May tatlo akong kapatid na lalaki at lahat sila ay mas matanda sa akin. Ang panganay sa amin, si Kuya Gabriel, ay tapos na sa pag-aaral at nagtatrabaho bilang isang seaman. Si Kuya Lorenzo naman ay nakakuha ng scholarship dahil sa pagluluto at kasalukuyang nag-aaral sa Paris. Samantalang si Kuya Stan naman ay kasama kong nag-aaral sa UST at isang taon na lamang ay makakapagtapos na siya. Oo na, hindi kami middle class. Angat kami ng konti pero di naman mayaman. Sapat lang ang kinikita sa buwanang gastusin at ibang mga luho. ‘Yung tipong nakakabili ng bagong cellphone kapag sira na o nais nang palitan. Sa katunayan ako ang pinakamagastos sa aming pamilya. Bunso kasi at nag-iisang babae kaya ayun, sunod sa luho at laging pinoprotektahan ng mga kuya. Madalas din ako mag-mall. Bago umuwi ay dumadaan ako sa mall para tumingin-tingin ng mga bagong damit o di kaya nama’y tumambay sa mga coffee shops.

At dun ko siya nakilala.

Si Angelo ay isang masipag at matiyagang part-time worker. Gwapo. Mukhang matalino. Nasa kolehiyo na din siya at isang taon na lang ang kanyang hihintay para makapagtapos.  Sa hapon ang kanyang shift at nagsisimula iyon ng alas-sinco ng hapon. Isa ‘yun sa mga dahilan kung paano kami nagkakilala. Kapag ganoon oras kasi ay nasa mall na ako. Paikot-ikot. Nagliliwaliw. At kapag napagod ay pupunta sa coffee shop na paborito kong tambayan. Dahil regular na ako dun ay kilala na nila ako. Kapag nasa counter na ako ay itatanong na lang nila, “Ma’am, ‘yung usual po ba?” at hindi nawawala ang ngiti sa kanilang mga mukha. Pero iba si Angelo. Halatang pilit ang kanyang ngiti kapag ako na ang o-order at ang lamig ng kanyang pakikitungo sa akin. Hindi ko lubos maisip kung bakit dahil di ko naman siya kilala talaga at wala naman akong dine-demand sa kanila tuwing nandoon ako. Matagal-tagal din nagpatuloy ang ganitong pakikitungo sa akin ni Angelo. Lumipas ang ilang buwan pero ganoon pa rin.

Isang araw habang naglalakad lakad sa mall ay nakita ko si Angelo. Nagulat ako dahil ang alam ko, ganoong oras ay nasa trabaho na siya. Napansin kong tulala siya at mukhang malalim ang iniisip. Pinagmasdan ko siya dahil ngayon ko lang siya nakitang ganito. Biglang may isang babae ang lumapit sa kanya. Nakasuot siya ng baston na pantalon at ng fit na t-shirt. Rakista ang porma. Mula sa aking kinaroroonan ay nakita kong parang nagtatalo sila. “Hm, siguro girlfriend niya.” Maya-maya sinampal si Angelo. Halos lahat ng tao ay napatingin. Sino ba naman kasi ang di mapapatingin sa lakas ng sampal? Nagulat din si Angelo at napatulala saglit habang hawak niya ang pisnging nasampal. Sa sobrang pagkagulat hindi niya napansin na iniwan na siya nung babae. “KYLLE! Saglit lang! Hintayin mo ko!” Sigaw niya habang patakbong lumamalayo si Kylle. Hindi ko na sila sinundan dahil ayaw kong manghimasok sa privacy ng iba. Napagdesisyunan ko na lang na umuwi dahil pagod na ako at madami pang papers na aasikasuhin. Medyo gulat din ako sa nasaksihan ko, ang ibang dako ng buhay ni Angelo. Hindi ko alam na ang aking nasaksihan ay makakapagpabago sa pakikitungo ni Angelo sa akin.