Chapter 1 : Alisa

8 Oct

*Ang pamagat ay pansamantala lamang
*Ang kwentong ito ay likha lamang ng imahinasyon. Pagkakatulad sa mga pangyayari at pangalan ay sadyang nagkataon lamang.

Ako si Alisa. Diecinueve anyos. Galing ako sa isang middle class na pamilya. Nagtatrabaho si Mama sa isang kompanya bilang isang sekreterya samantalang si Papa naman ay nagbebenta ng mga sasakyan. May tatlo akong kapatid na lalaki at lahat sila ay mas matanda sa akin. Ang panganay sa amin, si Kuya Gabriel, ay tapos na sa pag-aaral at nagtatrabaho bilang isang seaman. Si Kuya Lorenzo naman ay nakakuha ng scholarship dahil sa pagluluto at kasalukuyang nag-aaral sa Paris. Samantalang si Kuya Stan naman ay kasama kong nag-aaral sa UST at isang taon na lamang ay makakapagtapos na siya. Oo na, hindi kami middle class. Angat kami ng konti pero di naman mayaman. Sapat lang ang kinikita sa buwanang gastusin at ibang mga luho. ‘Yung tipong nakakabili ng bagong cellphone kapag sira na o nais nang palitan. Sa katunayan ako ang pinakamagastos sa aming pamilya. Bunso kasi at nag-iisang babae kaya ayun, sunod sa luho at laging pinoprotektahan ng mga kuya. Madalas din ako mag-mall. Bago umuwi ay dumadaan ako sa mall para tumingin-tingin ng mga bagong damit o di kaya nama’y tumambay sa mga coffee shops.

At dun ko siya nakilala.

Si Angelo ay isang masipag at matiyagang part-time worker. Gwapo. Mukhang matalino. Nasa kolehiyo na din siya at isang taon na lang ang kanyang hihintay para makapagtapos.  Sa hapon ang kanyang shift at nagsisimula iyon ng alas-sinco. Isa ‘yun sa mga dahilan kung paano kami nagkakilala. Kapag ganoong oras kasi ay nasa mall na ako. Paikot-ikot. Nagliliwaliw. At kapag napagod ay pupunta sa coffee shop na paborito kong tambayan. Dahil regular na ako dun ay kilala na nila ako. Kapag nasa counter na ako ay itatanong na lang nila, “Ma’am, ‘yung usual po ba?” at hindi nawawala ang ngiti sa kanilang mga mukha. Pero iba si Angelo. Halatang pilit ang kanyang ngiti kapag ako na ang o-order at ang lamig ng kanyang pakikitungo sa akin. Hindi ko lubos maisip kung bakit dahil di ko naman siya kilala talaga at wala naman akong dine-demand sa kanila tuwing nandoon ako. Matagal-tagal din nagpatuloy ang ganitong pakikitungo sa akin ni Angelo. Lumipas ang ilang buwan pero ganoon pa rin.

Isang araw habang naglalakad-lakad sa mall ay nakita ko si Angelo. Nagulat ako dahil ang alam ko, ganoong oras ay nasa trabaho na siya. Napansin kong tulala siya at mukhang malalim ang iniisip. Pinagmasdan ko siya dahil ngayon ko lang siya nakitang ganito nang biglang may isang babae ang lumapit sa kanya. Nakasuot siya ng baston na pantalon at ng fit na t-shirt. Rakista ang porma. Mula sa aking kinaroroonan ay nakita kong parang nagtatalo sila. “Hm, siguro girlfriend niya.” Maya-maya ay sinampal si Angelo. Halos lahat ng tao ay napatingin. Sino ba naman kasi ang di mapapatingin sa lakas ng sampal na ‘yun? Nagulat din si Angelo at napatulala saglit habang hawak niya ang pisnging nasampal. Sa sobrang pagkagulat hindi niya napansin na iniwan na siya nung babae. “KYLLE! Saglit lang! Hintayin mo ko!” Sigaw niya habang patakbong lumamalayo si Kylle. Hindi ko na sila sinundan dahil ayaw kong manghimasok sa privacy ng iba. Napagdesisyunan ko na lang na umuwi dahil pagod na ako at madami pang papers na aasikasuhin. Medyo gulat din ako sa nasaksihan ko, ang ibang dako ng buhay ni Angelo. Hindi ko alam na ang aking nasaksihan ay makakapagpabago sa pakikitungo ni Angelo sa akin.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: